
MANILA (Mindanao Examiner / Oct. 4, 2013) – Protesta ang isinagawa ng mga guro sa bansa sa paggunita ng World Teachers’ Day dahil umano sa hanggang ngayon ay wala pa rin linaw sa hinihinging increase ng clothing allowance, at iba pa.
“Anong magandang balita sa World Teachers Day para sa mga guro? Wala,” ito ang naging pahayag ni Benjie Valbuena, taga-pangulo ng Alliance of Concerned Teachers.
“Ngunit ang tanong pa rin ng maraming guro sa ngayon may dagdag ba sa sweldo natin sa ngayon o may increase ba sa clothing allowance o chalk allowance man lang? May medical allowance na ba tayo? Kailan ba namin matatanggap ang PBB, ibang Dep Ed dibisyon nakuha na nila. Bakit delayed ang aming sweldo?” tanong pa nito.
Ito ang reyalidad na di mapagtatakpan ng mga masasayang selebrasyon sa pagunita ng WTD, ayon kay Valbuena. Ngunit sa kabila nito ay kaliwa’t kanan naman ang selebrasyon ng World Teachers’ Day sa mga paaralan bilang pagunita sa mga naging kabayanihan at kadakilaan ng mga guro.
“Kumakailan lang naipasa na sa kongresso ang budget para sa 2014. Kami ay sadyang nadismaya sa kabila ng paglaki ng Dep Ed budget na P336.9 bilyon mula sa P293.4 bilyon noong 2013, wala man lang katiting na dagdag na pondo para sa aming kahilingan sa dagdag na sweldo o kaya dag dag sa clothing o chalk allowance o di kaya pondo para sa libreng medical checkup ng mga teachers na naka saad naman sa mag nacarta for teachers,” wika pa ni Valbuena sa pahayag nito sa Mindanao Examiner.
“Habang bilyong piso ang pondo nilalaan sa pork barrel at Disbursement Acceleration Program o DAP ng Pangulong Aquino, patuloy naman kaming tinitipid sa aming kahilingan dahil wala daw pondo ang ahensya. Ngunit ang katotohanan may savings naman ngunit na hijack na ito ng Budget department upang gawing Pondo para sa DAP na panuhol sa mga senador at kongresista,” ani pa ni Valbuena.
“Isang halimbawa nito ay ang aming honorarium para sa darating na barangay eleksyon, mula sa P4,000 pesos noong nagkaraang eleksyon ginawa itong P2,000 ngayong darating na barangay eleksyon at nakadepende pa sa mga LGU ang dagdag na P500 para sa transpo allowance. Hindi ba sadyang pambabarat na ito sa aming mga guro.”
Hindi nagbigay ng pahayag ang Education department ukol sa reklamo ng mga guro.