SULU –Maraming Muslim ang nagdiwang sa pagkakabasura ng korte sa warrant of arrest kay Moro National Liberation Front chieftain Nur Misuari na nahaharap sa patong-patong na kasong kriminal dahil sa atake ng mga tauhan nito sa Zamboanga City noong 2013.
Ang lifting ng arrest warrant ay inilabas ni Judge Maria Rowena San Pedro ng Pasig Regional Trial Court Branch 158. Mismong si Presidential peace adviser Jesus Dureza ang nagdala ngayon Huwebes ng naturang order ng korte sa Sulu at agad rin nitong sinundo si Misuari gamit ang isang pribadong jet sa utos na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nais umanong simulan ni Duterte ang pakikipag-usap kay Misuari ukol sa iba’t-ibang isyu at kabilang dito ang peace agreement ng pamahalaan sa MNLF, ang Abu Sayyaf, ang Moro Islamic Liberation Front, Bangsamoro Basic Law at ang isinusulong nitong federalism sa bansa.
Nagdiwang naman ang libo-libong miyembro ng MNLF sa Mindanao, gayun rin ang mga supporters ni Misuari sa kalayaang ibinigay sa kanya ni Duterte. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper