
SULU (Mindanao Examiner / Sept. 3, 2013) – Laking pasasalamat ng mga guro at estudyante kahapon kay Sulu Gov. Totoh Tan at Vice Gov. Sakur Tan sa mga proyektong ibinigay sa Kaumpang Elementary School sa bayan ng Patikul.
Pormal ng inanigurahan ng dalawang opisyal ang covered court na bahagi ng proyekto ng Sulu provincial government. Halos 1,500 mga magaaral ang makikinabang sa nasabing proyekto na unang ikinasa ni Vice Gov. Sakur Tan nuong ito ay governor pa at ipinag-patuloy naman ng anak na si Gov. Totoh Tan.
Todo naman ang pasasalamat ng mga guro sa pangunguna ni Gabir Sarajali, ang principal ng nasabing paaralan, sa mga ibinibigay ng proyekto ng “Team Tan.”
“Misan ha tagaynup y nya na niyat in mapahaun in covered court daindi ha Kaumpang Elementary School,” ani Sarajalisa wikang Tausug. (Ni sa panaginip ay hindi namin inaasahan na magkaroon kami ng covered court dito sa Kaumpang Elementary School.)
“Landu makugmakuyag in mag bata iskul…ha din na sila kaulanan bang aun activities nila, di na sila magsukay gym eban labi awla na aun na lugal pag graduatetan sin kabataan ha sakabah umabut in adlaw graduation,” dagdag pa nito. (Masayang-masaya kaming lahat at lalong-lalo ng ang mga estudyante.
Hindi na kami mauulanan sa tuwing may activities at hindi na rin kami magre-rent ng venue o gym and most specially we have already a place where we can celebrate our graduation exercises.)
Nitong taon lamang ay nagbigay rin si Vice Gov. Sakur Tan ng 10 computer sets at iba pang mga kagamitan sa naturang paaralan at ipinangako nito ang nasabing covered court noon. Mismong si Provincial Engineer Abdurasad Baih ang nanguna sa paggagawa nito.
Maging si School East District Supervisor Wilson Alih ay todo rin ang pasasalamat sa Team Tan at sinabing “kami mo po ang living witness sa legacy ni Gov. Tan tulad nitong covered court at sa mga proyektong tinanggap namin.”
Hinimok naman ni Gov. Totoh Tan ang mga estudyante na mag-aral ng maiigi upang maabot ang mga pangarap sa buhay at maging isang responsableng mamamayan.
Iniutos rin ni Gov. Totoh Tan ang pagpapagawa ng pathway na dinaraanan ng mga magaaral matapos na mapuna ang mga putik doon.
Kamakailan lamang ay nakipag-usap rin si Gov. Totoh Tan si Education Sec. Armin Luistro na kung saan ay inilutang nito ang ibat-ibang isyu at kabilang dito ang mga sahod ng guro at paaralan, bukod sa mga iba pa. Nagpasalamat rin si Sec. Luistro sa mga proyekto ng Team Tan na may kinalaman sa edukasyon. (Ahl Salinas)