Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • DOTC dismayado sa kalunos-lunos na estado ng Zamboanga City bus terminal

DOTC dismayado sa kalunos-lunos na estado ng Zamboanga City bus terminal

Editor August 17, 2013
Bus-11

 Ito ang Zamboanga City bus terminal. (Mindanao Examiner Photo)

ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Aug. 17, 2013) – Dismayado umano ang Department of Transportation and Communications sa estado ng bus terminal sa Zamboanga City sa Western Mindanao dahil sa malalang kondisyon nito at mga butas sa siguridad.

Nagtungo umano ang isang DOTC team sa bus terminal sa Barangay Guiwan at nagulantang sa kanilang nakita dahil sa kalunos-lunos na estado nito samantalang ang Zamboanga ay itinuturing na isang highly-urbanized city sa katimugan.

Unang napansin ng DOTC team ay ang mga tila-squatter na mga tindahan sa terminal na kung saan ay labas-masok lamang ang kahit sino at malaking problema umano ito sa siguridad ng mga biyahero. Maging ang outpost ng militar ay pulisya ay gawa lamang mula sa isang tent.

Kinausap umano ng naturang team ang pamunuan sa terminal na ginagamit ng Rural Transit Mindanao at iba pang mga bus liner na bumibiyahe mula Zamboanga hanggang Dumaguete at Bacolod, at Cagayan de Oro City.

Wala naman magawa ang mga supervisor ng bus company sa terminal dahil sa nangungupahan lamang ang mga ito doon. Hindi rin maipagawa ng may-ari ng lote ang mga baku-bakong daanan doon na sa tuwing umuulan ay nagpuputik naman ng husto.

Nais umano noon ng Rural Transit Mindanao na lumipat sa sarili nitong terminal sa Barangay Divisoria ngunit hindi umano sila binigyan ng permiso ng pamahalaang-lokal.

Gusto ng pamahalaan na ito mismo ang gumastos at magtayo ng sariling integrated bus terminal, subali’t ng ito ay ginawa ay minalas naman ng husto dahil nagkaroon naman ito ng kaso sa korte ng maghain ang isang contractor laban sa Zamboanga sa paglabag diumano sa awarding ng proyekto sa isa pang contractor.

Hanggang ngayon ay nakabinbin pa rin sa korte ang kaso.

Ilang dekada ng walang maayos na bus terminal ang Zamboanga at matagal na rin ito naiwan ng Pagadian City at ibat-ibang bayan sa Zamboanga Sibugay at Zamboanga del Sur na may magagara at malalaking terminal kahit hindi kasing-yaman ng kaban ng Zamboanga ang kanilang Internal Revenue Allotment at mga buwis. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Sulu sends 6 students to U.S. for study program
Next: Mindanao Examiner Regional Newspaper Aug. 19 to 25, 2013

Trending News

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress BLT-1 1
  • Business
  • Featured

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

May 22, 2025
Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025 PagIBIG-Housing-Loan 2
  • National

Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025

May 22, 2025
Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country Innovation-Day-2025-Schneider1 3
  • Business

Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country

May 21, 2025
Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs Marawi-IDP 4
  • Mindanao Post

Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs

May 21, 2025
DSWD aids Filipinos returning from Sabah DSWD-aids-Filipinos 5
  • Mindanao Post

DSWD aids Filipinos returning from Sabah

May 21, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.