Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Kano, itinumba sa harapan ng pamilya
  • Featured
  • Mindanao Post

Kano, itinumba sa harapan ng pamilya

Desk Editor October 30, 2017

KIDAPAWAN CITY – Patay ang isang Amerikano matapos itong pagbabarilin sa sentro mismo ng bayan ng Pikit sa North Cotabato sa magulong rehiyon ng Mindanao.

Nabatid na sakay ng kanyang nakaparadang truck ang 60-anyos na si Jeff Michael Keith kasama ng kanyang asawa at dalawang anak na menor-de-edad ng ito ay lapitan ng isa sa 2 lalaki at saka binaril kamakalawa ng hapon.

Tinangay pa ng mga salarin ang bag ni Keith na naninirahan sa Cagayan de Oro City. Hindi pa mabatid ang motibo ng pagpatay, ngunit sinisipat ng pulisya ang angulo ng robbery dahil may lamang P200,000 ang bag ni Keith. May negosyo umano sa Pikit si Keith, ngunit hindi naman sinabi ng pulisya kung ano ito.

Hindi naman nasaktan ang pamilya nito sa pamamaril. Agad naman tumakas ang mga kriminal sakay ng isang motorsiklo. Hindi rin tiyak kung mga rebelde ang tumira kay Keith at pinalabas lamang na pagnanakaw ito.

Walang ibinigay na detalye ang pulisya ukol sa dayuhan at hindi rin naglabas ng anumang pahayag ang US Embassy sa pamamaslang. Mahigpit ang bilin ng Amerika sa mga nationals nito na umiwas magtungo sa Mindanao dahil sa banta ng terorismo. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper 

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Marawi war victims, nakauwi na sa wakas!
Next: 1 patay, 8 sugatan sa Davao ambush

Related News

ZC1
  • Mindanao Post

Zamboanga Winners Proclaimed

Desk Editor May 13, 2025
Claire-Castro-RTVM
  • Mindanao Post
  • National

‘Major step’: Palace lauds $10-M climate grant for Tawi-Tawi project

Desk Editor May 7, 2025
P20rice-PIA
  • Featured
  • Visayas

Tears of gratitude: Elderly Cebuano first to benefit from PBBM’s P20 Rice Program

Desk Editor May 7, 2025

Trending News

Zamboanga Winners Proclaimed ZC1 1

Zamboanga Winners Proclaimed

May 13, 2025
PhilHealth and DepEd forge partnership to ensure health coverage for all learners PhilHealth-DepEd1 2

PhilHealth and DepEd forge partnership to ensure health coverage for all learners

May 13, 2025
Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption NFA-rice-PIA 3

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption

May 9, 2025
PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2 4

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

May 9, 2025
Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA Philippines_Poverty_Mel_Hattie 5

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

May 9, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.