‘Ibon ma’y umaawit matapos ang bagyo’
ANG TREHEDYA na nangyari sa Lungsod ng Dabaw noon bisperas ng Pasko ay pambihira. Maaga pa lang ay itinaas na ang alarma para sa bagyong Vinta kung saan kasama ang lungsod sa mga daraanan nito. Si Mayor Inday Sara Duterte ay maagap na nagpalabas ng mga paalala sa mga naninirahan sa mga baybayin, tabi ng mga ilog at mga lugar na tinamaan na noon ng mga pagbaha at binalaan na maging mapagmatiyag at lumikas.
Nang tumama ang Vinta sa kalupaan at nananalasa sa Davao, Surigao, Agusan, Compostela Valley province, ang hangin sa Lungsod ng Dabaw ay kalmado at maagang sumikat ang araw. Pinag-isipan ko sanang ipagpaliban ang tradisiyonal na Christmas Party na isinasagawa para sa mga empleyado ng Mindanao Journal kasama ang ilang mga malalapit na kaibigan sa media ngunit dahil nakagugulat na maganda naman ang panahon, ay napagpasyahan naming na ituloy ito. Kasabay nito ang aking biyenan at aking anak na si Kristine at tatlong apo ay nag datingan din para sa aming Christmas reunion.
Ang dalawa kong anak na lalakeng sina Dante at Ferdinand na naninirahan sa Gem Village sa Ma-a, ay kasama namin sa kasiyahan. Bandang 7:00 ng gabi at isang kapitbahay ang nag text sa kanila na ang tubig-baha ay papasok na sa subdibisyon. Ang kaibigan ni Dante ay tumawag din at nag-aalok ng kaniyang sasakyan para mailipat ang mga importanteng gamit sa mas ligtas na lugar. Agad silang umalis sa party at pumunta sa Ma-a at nang sila ay makarating doon hanggang tuhod na ang tubig baha. Ikinarga nila ang lahat ng kaya nila sa van at agad ding umalis.
Ang aking tahanan ay nasa mas mataas na lugar. Mula sa aming kinalalagyan, dinig ang mayat-mayang sirena at pagdaan ng mga rescue trucks at ambulansiya ng 911. Tumawag ako sa 911 upang itanong kung anong nangyayari. Maagap ang kanilang tugon. “Sir pinasok na ng rumaragasang baha ang Jade Valley” at nagpapatuloy ang rescue operations. Inililikas na rin ang mga nasa Gem Village at nagiikot ang mga opisyal ng barangay upang payuhan ang mga residente na agad ng magsilikas.
Nagulat ako. Ang aking mga anak ay nandoon. Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan sila. “Dito na kami sa harap ng bahay ninyo Pa,” tugon ni Ferdinand.
Nagpatuloy kami sa aming Christmas dinner at exchanged gifts na may kahalong kaba. Kaya’t nag-pasyang maagang magsi-uwian. Habang inihahatid ko ang aking mga kaibigan sa labas nagsimula ng umambon. Maya-maya pa, Si Allan Abais ng dxAB ay nag text at sinabi na si Secretaty Bong Go ay nasa lugar na ng kalamidad sa Jade Valley at tumutulong sa mga na istranded sa baha na mga residente. Noon pa man si Secretary Bong ay isang magaling na jet skier at laging kasama sa mga rescue operations.
Ang mga anak ko ay bumalik na uli ng Gem Village sa Ma-a pag sikat ng araw ngunit bumalik din kaagad. Ang buong village ay lubog na sa baha at ang mga tao ay hindi na pinayagang makapasok pa maliban sa mga rescue teams. Sikat na ang araw. Maya-maya pa tumawag ang Club Samal, isang resort sa tabing dagat sa Island Garden City of Samal, upang ipaalam sa akin na kalmado daw ang dagat at pinayagan na ng coast guard na makatawid ang mga ferry sa pagitan ng Davao at Samal. Nawalan na kami ng pag-asa sa bahay ng aking mga anak sa Gem Village, kaya bumiyahe na kami sa Club Samal na isang bagong-gawang resort at hotel na pagmamay-ari ng aking kaibigan at Chairman ng Davao City Water District, Ed Bangayan.
Habang kami ay nagbibiyahe patungo sa pier upang tumawid sa Samal Island, ang mga balita tungkol sa baha ay nangunguna pa ring balita sa radyo. Ngunit kinalaunan isang ulat ang pumasok hinggil sa nasusunog na NCCC Mall. Sa alam kong laki at lawak ng gusali hindi ko lubos maisip kung bakit ang mga tao sa ika-apat na palapag ay na-trap at hindi makalabas. Sa katunayan ang mga balita sa radio ay nakatuon ng matagal sa mga binahang village kung saan nagpapatuloy ang rescue operations mula pa ng gabi ng ika 23 ng Disyembre. Kayat nakagugulat na marinig na hindi lang iilan ang nasawi.
Si Pangulong Duterte na noon ay nasa Biliran at sa iba pang panig ng Mindanao ay agad na umuwi upang makita ang lawak ng pinsalang dala ng baha at sunog.
Talagang hindi kapanipaniwala ngunit kaharap ko ang masakit na reyalidad at katotohanan. Sino nga ba ang makapaniniwalang ang dalawang kalamidad na ito ay mangyayari. Maganda ang lagay ng panahon sa Lungsod ng Dabaw. Ang init ng araw ay matindi. At paanong ang isang gusali gaya ng NCCC mall ay magiging nag lalagablab na patibong?
Napaka-pambihira. Pasko sana at maaring mag diwang dahil nailigtas ang lungsod mula sa bagyo at malakas na ulan na nanalasa sa ibang probinsiya at lungsod na dinaanan nito kung saan kasama sana ang Lungsod ng Dabaw. Lingid sa kaalaman ng MBA Gaga Davao City ang malakas na ulan na bumuhos sa mga kabundukan kabilang na ang nasa karatig na probinsiya ay bumaba at dumaloy sa Tamugan at Davao River na nag dala ng rumaragasang tubig baha sa mga ilog.
At paano naman ang sunog sa NCCC Mall? Wala akong sagot diyan. Ang masasabi ko lang sa ngayon ay isang seryoso at masusing imbestigasiyon ang dapat maisagawa.
Isang napaka-lungkot na bahagi at pangyayari ito upang isulat lalo na at panahon ng kapaskohan. Nais kong ibahagi ang isang makahulugang talatang mula kay Rose Fitzgerald Kennedy ngunit sa abot ng aking maalala: “Ang Dios ay hindi magbibigay sa atin ng krus o pasanin na mas mabigat pa kaysa sa makakaya natin. Gusto niyang maging masaya tayo, hindi malungkot. Umaawit at humuhini ang ibon pagkatapos ng bagyo, bakit hindi natin ito magawa? ” Ako ay nalulungot at nakiki simptaya sa mga nabiktima ng baha at sunog. Ang aking mga anak ay nawalan ng kanilang mga computer at iba pang mahahalagang gamit sa baha. Ngunit ito ay mga material na mga bagay na maaring mapalitan agad o sa kalaunan. Subalit sa mga nasawi sa nag aalab na sunog at baha walang salita o kataga ang maaring makapawi sa kanilang kalungkutan sa ngayon.
Umaasa akong ang awa at pagmamahal ng Diyos ngayon Pasko ay madama ng mga nawalan ng kanilang mga mahal sa buhay. (Jun Ledesma)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper