KIDAPAWAN CITY – Patay ang isang kawani ng pamahalaang lokal matapos na pagbabarilin ng di-pa nakilalang gunman sa highway ng bayan ng Datu Montawal sa lalawigan ng Maguindanao nitong Miyerkules ng umaga.
Kinilala ang biktimang si Tato Macabatal Budi may asawa at nakatira sa nasabing bayan. Sa impormasiyong nakarating kay Inspector Razul Pandulo, hepe pulisya ng Datu Montawal, nangyari ang pamamaril pasado alas-10:00 ng umaga.
Ang biktima ay naghihintay ng mga sasakyan na kanyang ini-isyuhan ng ticket sa loob ng ticket booth na nasa gilid ng highway ng pagbabarilin ng mga suspek na nakasakay sa motorsiklo
Larawan ay Kuha ni Nhor Gayak
Nang makitang wala ng buhay ang biktima agad na tumakas ang mga suspek matapos na maisakatuparan ang masamang balakin. Patuloy pa ang imbestigasiyon sa nasabing pamamaril upang alamin ang motibo sa krimen. (Rhoderick Benez)
See media rates: http://mindanaoexaminer.com/ad-rates/
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/
http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: http://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper