Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Uncategorized
  • 3 patay sa Bagyong Seniang sa Mindanao
  • Uncategorized

3 patay sa Bagyong Seniang sa Mindanao

Editor December 29, 2014
The-2BMindanao-2BExaminer

CAGAYAN DE ORO CITY – Tatlong katao ang inulat na nasawi dahil sa Bagyong Seniang na humagupit sa Mindanao.

Ayon sa mga awtoridad, nalunod ang isang matandang lalaki matapos itong anurin sa Naboc River sa bayan ng Monkayo sa Compostela Valley. Tumatawid umano ang matanda ng ito’y tangayin ng malakas na agos ng ilog.

Nalunod rin ang isa pang lalaki sa Agusan River ng ito’y madulas habang pilit na kinukuha ang mga inanod na niyog sa baybayin.

At mahigit sa isang dosenang katao rin ang nasaktan ng sumadsad ang bus na kanilang sinasakyan sa Tagum City na kung saan ay isang pasahero ang sinasabing nasawi ng ito’y maipit sa kanyang upuan.

Madulas umano ang kalsada dahil sa lakas ng ulan kung kaya’t nawalan ng kontrol ang tsuper ng bus at sumadsad ito sa isang dike. Hindi pa mailabas ng Office of the Civil Defense sa Mindanao ang tumpak na bilang ng mga  typhoon-related casualties dahil abala ang lahat sa pag-asikaso sa mga biktima ng bagyo.

Patuloy pa rin na binabantayan ng pamahalaan ang mga lalawigan sa Mindanao ngunit hirap pa rin makuha ang tumpak na bilang ng mga nasalanta ng baha, bagama’t libo-libong pamilya ang tinatayang apektado.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, kabilang sa mga apektado ng bagyo, bukod sa Compostela Valley at Tagum ay ang mga sumusunod na lalawigan – Surigao del Norte at Sur, Siargao, Agusan del Norte at Sur, Misamis Oriental, Camiguin, Davao Oriental, Davao del Norte, Bukidnon, Lanao del Norte at Sur, Misamis Occidental, Zamboanga Peninsula, at Dinagat province.

Inaasahan na hahagupitin rin ng bagyo ang Visayas dahil doon nakatuon ang direksyon nito.

Kamakalawa ay nabalam rin ang Tagbilaran Airport matapos na ma-flat ang gulong ng AirAsia Zest airbus sa runway. Kahapon ay nai-alias na ang nakahambalang na eroplano, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines.

Nakahanda na rin ang Cebu provincial government sa pagdating ng bagyo at inilagay na sa blue status ang buong lalawigan at nasa storm signal number 1 na ito.

Maging ang mga rescue team at sundalo at pulisya ay naka-antabay na rin sa pagdating ng bagyo at kinansela na rin kahapon ang lahat ng aktibidad kaugnay sa Rizal Day celebration ngayon Disyembre 30. Marami na rin ang stranded sa mga pier at paliparan dahil suspendido na ang biyahe ng mga barko at eroplano. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Army denies media reports, says no bombing in Maguindanao town
Next: Philippine rebels ambush army officer, 2 others

Related News

  • Uncategorized

Stop attacks if you want peace talks to resume, Palace to Reds

Editor December 16, 2019
  • Uncategorized

2 NPA rebels yield in South Cotabato

Chief Editor December 6, 2019
  • Uncategorized

Publiko pinagiingat sa mga ‘investment scheme’

Chief Editor November 21, 2019

Trending News

Manny Pacquiao Returns to Rewrite History – The Fight That Will Inspire a Nation Pacquiao 1
  • Sports

Manny Pacquiao Returns to Rewrite History – The Fight That Will Inspire a Nation

May 29, 2025
Optum Philippines celebrates first anniversary of Davao Hub and Davaoeño talent MAJ03649 2
  • Business

Optum Philippines celebrates first anniversary of Davao Hub and Davaoeño talent

May 29, 2025
PhilHealth Speeds Up Payments, releases over P592M to NKTI in less than 5 Months PhilHealth1 3
  • Health

PhilHealth Speeds Up Payments, releases over P592M to NKTI in less than 5 Months

May 29, 2025
BARMM brings medical missions to IDP shelters in Marawi Health-mission 4
  • Mindanao Post

BARMM brings medical missions to IDP shelters in Marawi

May 28, 2025
911 in Camiguin town logs over 500 calls since January Service-expansion 5
  • Mindanao Post

911 in Camiguin town logs over 500 calls since January

May 28, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.