
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / May 18, 2013) – Dinukot umano kahapon ng mga di-kilalang lalaki ang isang medical technologist ng Sulu Integrated Provincial Hopspital na asawa ng isang sundalo.
Ayon sa ulat ay papasok sa pagamutan si Casilda Marcos kasama ang anak nitong bababe ng hilahin ng mga salarin sa bayan ng Jolo. Hindi naman natangay ang bata.
Nabatid pang tumakas ang mga lalaki sakay ng isang van, subali’t wala naman umako sa naturang insidente. Hindi rin malaman kung ano ang motibo nito o kung may kaugnayan ba ito sa away-pamilya o kidnapping for ransom.
Walang ibinigay na pahayag ang mayor ng Jolo na si Hussin Amin sa naganap.
Hindi rin naglabas ng anumang ulat ang Western Mindanao Command ukol sa naganap at tulad ng mga nakaraang balita ay tikom rin ang bibig ng mga opisyal sa pagdukot. (Mindanao Examiner)