KIDAPAWAN CITY – Patay ang isang Civilian Active Auxiliary (CAA), na kasapi ng para-military makaraang pabulagtain ng di pa nakilalang suspek habang nagpapahinga sa loob ng kanilang bahay sa Purok-3A, Barangay Kibia sa bayan ng Matalam, North Cotabato, Miyerkules ng gabi.
Kinilala ang nasawi na si Michael Joredico Dapitillo, 37, miyembro ng 9th North Cotabato Civilian Active Auxiliary (CAA) sa ilalim ng Army’s 38th Infantry Battalion.
Batay sa ulat, alas-7:30 ng gabi habang nagpapahinga sa loob ng kanilang bahay ang biktima ay nirarat ito ng mga di pa nakilalang suspek.
Nagtamo si Dapitillo ng tama ng bala sa kanyang ulo at dibdib na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Wala namang makapagturo sa lugar kung sino ang responsible sa krimen.
Ang pagpaslangs a biktim ay pangalawa na sa buwan ng ito, una noong Hunyo a-14 kungsaan napatay dina ng isang CAFGU habang nasa loob ng detachment sa bayan ng Pikit, North Cotabato.
Inaalam pa kung may kinalaman sa trabaho ang pagpaslang sa mga biktima. Rhoderick Beñez