KIDAPAWAN CITY — Bumulagta ang isang 31-anyos na mister matapos na pagbabarilin ng riding in tandem na suspek habang naghihintay ng masasakyang multicab, naganap sa Quezon Boulevard, Kidapawan City, North Cotabato, Huwebes ng hapon.
Kinilala ang nasawi na si Rey Roldan Ancheta, may asawa at residente ng Barangay Malasila sa bayan ng Makilala ng lalawigang ito.
Ang Photo kuha ni Edwin Badilles
Naganap ang pamamaril alas-11:45 ng umaga kungsaan kagagaling lamang ng biktima kasama ang kanyang tatay sa korte ng dumalo sa pagdinig.
Malaki ang paniniwala ni Perfecto Ancheta, tatay ng biktima na may kinalaman sa isinampa nilang kaso ang pagpatay sa kanyang anak.
Naghain kasi ng kasong frustrated murder ang biktima laban sa isang pulis sa Tulunan at ang may ari ng isang sabungan matapos na kasuhan ng huli ang una ng kasong paglabag sa Article 168.
Dahil dito personal grudge ang sinusundang anggulo ni P/Supt. Ramel Hojilla ang hepe ng Kidapawan City PNP hinggil sa pagpaslang kay Ancheta.Rhoderick Beñez
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine