KIDAPAWAN CITY – Nangunguna pa rin ang Kidapawan City sa North Cotabato sa may pinakamaraming kaso ng Human Immunodeficiency Virus – Acquired Immunodeficiency Syndrome (HIV-AIDS) sa lalawigan.
Napag-alaman pa na pangalawa ang bayan ng Midsayap sa may pinakamaraming kaso ng HIV-AIDS, pangatlo ang Kabacan at pang-apat ang Mlang sa North Cotabato. Dahil dito ay nanawagan ang Department of Health sa publiko na iwasan ang magkaroon ng multiple sex partner o kaya ay gumamit ng mga lumang syringe.
Nakukuha rin ang naturang sakit sa male to male sex. Bilang paggunita naman sa HIV-AIDS Awareness Month ay nagsagawa ng candle lighting sa Rural Health Unit ng Kabacan nitong Hulyo 11. Ang aktibidad ay dinaluhan din ng mga lesbian, gay, bisexual and transgender.
Pinangunahan ito ni Intergrated Provincial Health Office at ni Mayor Herlo Guzman Jr. at iba pang mga opisyal. (Rhoderick Beñez)