
Si Tan ay tumatakbong vice governor, samantalang ang anak naman nitong si Abdusakur “Toto” Tan II, ay ang gubernatorial bet ng Liberal party ni Pangulong Benigno Aquino sa Sulu.
Inilatag naman ni Toto Tan ang kanyang plataporma at ibat-ibang programa para sa lalawigan kung sakaling palarin na magwagi. Ngunit malaki ang tyansa ni Toto Tan na manalo dahil sa naguumapaw na suporta ng halos lahat ng ibat-ibang bayan at mga mayors at publiko sa kanya.
Kilalang sportsman si Toto Tan at tulad ng kanyang ama at angkan ay isa rin pilantropo.
Halos maghiyawan naman ang mga tao at supporters ng Team Tan ng isa-isang ipakilala ang mga line-up nito at tulad ni Toto Tan ay inilatag rin nila ang kanya-kanyang mga plataporma at accomplishments.
Si Governor Tan naman ay ikinampanya ng husto ang buong line-up ng Team PNoy ni Pangulong Aquino, kasama na ang mga tumatakbo sa Autonomous Region in Muslim Mindanao na kinabibilangan ng mga lalawigan ng Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Lanao del Sur at Maguindanao.
Sa ilalim ni Tan ay napakaraming mga proyekto ang naibuhos ng kanyang administrasyon sa buong Sulu at kung kaya’t binansagan itong “Architect of Peace and Development” sa lalawigan. (Mindanao Examiner)