TACURONG CITY – Patay sa pamamaril ang dating bise-alkalde ng Sultan sa Barongis sa lalawigan ng magulong Maguindanao matapos na ratratin ng mga armado ang sasakyan nito sa Purok Golden Duranta, sa Barangay New Isabela, Tacurong City nitong Biyernes ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Roger Lagawan Mamalo, 63, at residente ng purok Sampaguita ng nasabing lugar.
Sa inisyal na report ng Tacurong PNP, pauwi na sana ang biktima sakay ng kanyang kotse nang tambangan. Nakuha sa lugar ang mga basyo ng bala mula .45-caliber pistol.
Ayon sa ulat ng pulisya ay nasa narco-list umano ni Pangulong Rodrigo Duterte si Mamalo, subali’t hindi pa mabatid kung sino ang tumira sa kanya at ang motibo ng pagpatay.
Patuloy ang imbestigasyon sa kaso, ani Supt. Joefel Siason. (Rhoderick Beñez)