KIDAPAWAN CITY – Abot sa mahigit tatlong daang mga timbangan ang na-calibrate ng Municipal Treasurer’s Office o MTO ng LGU Kabacan sa nagpapatuloy na inspeksiyon nila sa pamilihang bayan.
Ayon sa ulat ng MTO, nabatid na may mga nakumpiskang mga timbangan dahil sa pagdadaya ng timbagan o hindi pagsunod sa tamang calibration.
Nang siyasatin ng mga tauhan ng LGU Kabacan dalawang kilo umano ang kulang sa dapat ay saktong register nito bagay naman na malaki ang nalulugi ng mga mamimili.
Paliwanag ng MTO, kung titingnan ay tama naman daw ang timbangan ngunit ng kanila na itong subukan gamit ang sampung kilong bagay, laking gulat ng kanilang grupo nang malaman nilang kulang ng dalawang kilo ang nasabing timbangan.
Ang hakbang ng MTO ay naglalayong maiwasto ang lahat ng mga timbangan sa bayan.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng MTO ang kinumpiskang timbangan at pagmumultahin pa ang may-ari ng establisyementong ito. Rhoderick Beñez