KIDAPAWAN CITY – Bukas para sa local peace talks si Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista kasama ang makakaliwang grupo at kasapi ng New People’s Army o NPA.
Ito ang kinumpirma sa Radyo BIDA ni Evangelista bagaman at wala pa umanong guidelines mula sa Department of Interior and Local Government o DILG.
Dagdag pa nito na malaki ang posibilidad na maabot ang kapayapaan sakaling magkita at mag-usap ang mga opisyal ng LGU at ang New People’s Army o NPA.
Nilinaw din nito na hindi niya kalaban ang mga NPA at sa halip ay gusto din niya silang tulungan upang hindi sila maging kalaban ng estado.
Ginawa ng opisyal ang pahayag kasabay ng isinagawang ground breaking ceremony sa water system line na isinagawa sa Barangay Sto. Nino ng lungsod, kamakalawa.