NORTH COTABATO – Bangkay na ng matagpuan ang isang 9-buwang babaeng sanggol sa isang irrigation canal sa Poblacion 6 sa bayan ng Midsayap sa North Cotabato nitong nakaraang Linggo lamang.
Nakita ng isang magsasakang ang sanggol dakong alas-2 ng hapon habang naglilinis ito ng sakahan at agad na ipinaalam sa pulisya. Ayon sa imbestigasyon ng kapulisan ay naniniwala itong pinaanod ang sanggol sa naturang irrigation canal.
Hinala pa nila na maaaring nagawa ng ina ang krimen dahil hindi ito napanagutan ng ama ng bata.
Nanawagan naman ang kapulisan ng Midsayap sa ina ng sanggol na kung maaari ay sumuko na upang malaman ang dahilan kung bakit nito nagawa ang krimen. (Rhoderick Beñez)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com/
http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
See Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates/