KIDAPAWAN CITY – Umabot sa P44 milyon ang umano’y ibinuhos na pondo upang maipatayo ang dalawang overpass sa Kidapawan City sa North Cotabato.
Ang mga ito ay nasa sa harap ng Lanao Central Elementary School at ng Cathedral at St. Mary’s Academy. Ang proyekto ay naipatayo sa inisyatiba ni Congresswoman Nancy Catamco ng 2nd congressional District.
Pinangunahan ng opisyal nitong Huwebes ang turn-over ng nasabing proyekto, kasama si 1st Engineering District Engr. Elpidio Birog sa lokal na pamahalaan. Nagkaroon rin ng tribal ritwal at ceremonial switch on ng elevator sa overpass bridge at unang sumakay dito si Catamco at ilang mga opisyal na dumalo sa pagpapasinaya.
Ang pagbubukas ng 2 overpass bridge sa Kidapawan City.
Malaking tulong ang nasabing proyekto para sa seguridad at maayos na pagtawid ng mga kabataan, estudyante, mga matatanda at ng publiko na di na mabahala sa kanilang kaligtasan sa pagtatawid sa kalsada. (Rhoderick Beñez)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com/
http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
See Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates/