
MANILA (Mindanao Examiner / Apr. 27, 2013) – Opisyal nang inihayag ng ABS-CBN na sina Julia Montes at Enrique Gil ang napiling lead stars ng pinakabago nitong teleserye bilang bahagi ng pagdiriwang ng 60 taon ng Philippine Television.
Mula sa matatagumpay na teleserye ni Julia na “Mara Clara” at “Walang Hanggan,” at ni Enrique na “Budoy” at “Princess and I,” muling magbabalik sa primetime ang dalawa.
Sa pananabik ng buong sambayanan sa kanilang tambalan, naging usap-usapan agad sa mga social networking site tulad ng Twitter ang bagong proyekto nina Julia at Enrique kaya naman mabilis din naging bahagi ng nationwide trending topics ang mga ito.