
MANILA (Mindanao Examiner / Apr. 26, 2013) – Lalong magiging makulay ang summer ng teen sensation na si Daniel Padilla ngayong Abril 28 sa paggawad sa kanya ng double platinum record award para sa kanyang self-titled debut album.
Bukod sa special treat ni Daniel sa “ASAP 18”, sunod-sunod na must-watch performances naman ang matutunghayan sa naturang programa kabilang ang nakakakilig na panghaharana ng heartthrobs na sina Sam Milby, Paulo Avelino, Xian Lim, at Piolo Pascual.
Hindi rin dapat palampasin ang production number ng teleserye lead stars na sina Sunshine Cruz, Lara Quigaman, at Aiko Melendez; at ang kaabang-abang na pasabog “Pilipinas Got Talent 4” finalist na Zilent Overload at Symmetry.
Tuloy-tuloy pa rin ang celebrations sa “ASAP 18” sa pagsasalubong ng Star Magic family para kay Zia Quizon; na susundan ng grand launch ng bagong album ni Richard Poon.
Samantala, saksihan ang isa na namang show-stopping performance ng ultimate multimedia star na si Toni Gonzaga sa kanyang segment na ‘T Zone.’
Back-to-back dance showcase naman ang dapat abangan sa ASAP dance floor sa Supahdance Backtrack nina Kathryn Bernardo, Julia Montes, Julia Barretto, Janella Salvador, Liza Soberano, Sofia Millares, at Xyriel Manabat; at sa makapigil-hiningang showdown nina Shaina Magdayao, Maja Salvador, Sam Concepcion, Rayver Cruz, Iya Villania, at John Prats.
Tiyak na mapapamangha muli ang lahat sa world-class musical performances nina Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Bamboo, Nikki Gil, Denise Laurel, at ASAP Sessionistas; at sa panalong concert treat na ihahandog ng ASAP Champions na sina Erik Santos, Angeline Quinto, Jed Madela, at Yeng Constantino.