
COTABATO CITY (Mindanao Examiner / Apr. 25, 2013) – Tinatayang 400 mga estudyante at part-time workers ang nabigyan ng trabaho sa Autonomous Region in Muslim Mindanao bilang bahagi ng Summer Job Program sa Mindanao.
Sinabi ni Dir. Amir Mawallil, hepe ng ARMM Communications Group, na ang programa ay inilunsad ng Department of Public Works ang Highways sa nasabing rehiyon at ang kauna-unahan sa 23 taong ng naturang ahensya.
“Bahagi ito ng programa ng ARMM at marami ang makikinabang dito sa lahat ng limang lalawigan na sakop ng rehiyon dahil this covers the whole of eight DPWH district offices at ang maganda pa nito ay galing sa savings ng DPWH-ARMM ang ipangsu-sweldo sa mga summer job workers,” ani Mawallil sa Mindanao Examiner.
Sinabi pa nitong “Oplan Linis Bayan” ang ipinangalan ni DPWH ARMM Secretary Emil Sadain sa nasabing programa na inilunsad sa lalawigan ng Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Maguindanao at Lanao del Sur.
Ayon naman kay Sadain ay P250 bawat araw ang kikitain ng mga summer job workers.
“The Summer Job Program is another first in the DPWH’s 23-year history and was made possible through the present administration’s prudent fiscal handling,” wika pa ni Sadain.(Mindanao Examiner)