
BASILAN (Mindanao Examiner / Apr. 25, 2013) – Isang Cafgu militia ang napatay matapos itong tambangan ng mga di-kilalang armado sa maguklong lalawigan ng Basilan.
Ayon sa pulisya ay nakasakay sa motorsiklo si Eddie Jikiri, na miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit na naka-destino sa bayan ng Lantawan, ng ito’y tambangan ng dalawang salarin na nakabuntot lamang sa kanya sa Barangay Doña Ramona sa Isabela City.
Tinadtad umano ng bala mula .45-kalibre pistola si Jikiri bago tumakas ang mga armado. Nabawi ng pulisya sa lugar ang 5 basyo ng bala.
Blangko pa rin ang mga awtoridad sa motibo ng atake o kung may kilaman ang pagiging militia ng biktima o away-pamilya sa pananambang. (Mindanao Examiner)