SULTAN KUDARAT – Nag-alok ngayon ng P1 milyon pabuya si Sultan Kudarat Governor Pax Mangudadato sa sinuman makapagtuturo sa ikadarakip ng mga nasa likod ng madugong pambobomba sa bayan ng Isulan na ikinamatay ng 2 katao at pagkasugat ng halos tatlong dosenang iba pa.
Tinawag naman ni Mangundadato na “hayup” ang nasa likod ng atake dahil wala umano silang karapatang kumitil ng buhay kundi Diyos lamang ang maaaring gumawa nito.
Nabatid na nasawi ang isang 7-anyos na paslit at isang 52-anyos na ginang ang nasawi sa pagsabog na naganap Martes ng gabi habang nagdiriwang ang bayan sa 61st founding anniversary nito. Naganap ang pagsabog sa Barangay Kalawag Tres, partikular sa tapat ng J and H Marketing sa national highway.
Isang motorsiklo umano ang sumambulat na ikinasawi nina Baby Devy Shane Alayon at Leny Homez Dohina Ombrog.
Sinabi ni Isulan police director Supt. Celestino Daniel na nangyari ang pagsabog pasado alas otso ng gabi kasabay rin ng pagdiriwang ng Humungaya festival. Kinilala naman ni Supt. Aldrin Gonzales, ang tagapagsalita ng regional police officer, ang mga sugatan:
- Welmark jhon f. Lapidez, 25
- Arnold Layog Losanes, 40
- Master Sgt. Capilitan ng 39th Infantry Battalion
- Jomar Ali Montero Sacampong
- Jessa Claire Villaneva, 20
- Reymun Malvez
- Ibrahim Bryan Sucampung Bernal
- Nassip Gomgao
- Romel Cuba, 23
- Jomar Capulong
- Francisco Suerte, 22
- Azeril Malvis, 12
- Rey Malvis, 60
- Mary Jane Lacson
- Serenela Pauline Lacson
- Tanate Juduhan
- Jenex Acolador
- Renalyn Alion
- Jessa Villanueva
- Cristale Patanga
- Marmie Salawangen
- Rodel Singhan
- Nikki john Feramil, 24
- Sgt. Timjar Hambali ng 33rd Infantry Battalion
- Jeffrey Bacalto
- Nestor Ladrido
- Rey emma Blancada
- Samira Degaosun
- Ansawi Degaosun, 17
- Gani Degaosun
- Nassipin Acmad
- Leonisa alcaria, 47
- Mylene Delava, 32
- Ryan Miguel Batolo, 9]
- Christopher Siton
Sa ngayon nakataas pa rin ang alerto sa lugar kung saan tuluyan ng inihinto ang selebrasyon ng kanilang Hamungaya Festival at foundation anniversary. (Rhoderick Beñez)