
PAGADIAN CITY (Mindanao Examiner / Apr. 15, 2013) – Umani ng malaking papuri at suporta ang pagkaka-endorso ng El Shaddai – isa sa pinakamalaking religious group sa bansa – kay United Nationalist Alliance senatorial candidate JV Ejercito Estrada na nangunguna sa ibat-ibang pre-elections surveys.
Mismong si El Shaddai leader Bro. Mike Velarde ang siyang nag-endorso kay JV Ejercito Estrada.
Si Bro. Mike Velarde ang tumatayong tagapagsalita ngayon ng “White Vote Movement,” isang umbrella group ng ibat-ibang religious organizations sa bvansa na siyang nagsulong ng endorsement ni JV Ejercito Estrada dahil sa matibay nitong pananalig sa Diyos at magandang track record sa pulitika.
Isa rin sa JV Ejercito Estrada sa mga bumoto laban sa Reproductive Health bill at dahil sa kanyang malakas na paniniwala sa Simbahan at sa kahalagahan at kapakanan ng pamilya, ay inendorso rin ito ng Simbahang Katoliko sa Iloilo province at nanguna sa talaang ng kanilang “Team Buhay.”
Todo naman ang pasasalamat ni JV Ejercito Estrada sa El Shaddai at sa bumubuo ng “White Vote Movement” dahil sa kanilang pagtitiwala sa kanyang kakayahan. Maging ang pamilya ni JV Ejercito Estrada at mga ka-alyadong grupo ay nagalak at nagpasalamat kay Bro. Mike Velarde.
“Taos-puso po akong nagpapasalamat kay El Shaddai leader (Mariano) Bro. Mike Velarde, sa kanyang pag-endorso sa aking kandidatura bilang Senador sa darating na halalan. Isang karangalan po na ako ay suportahan ng El Shaddai,” ani JV Ejercito Estrada sa panayam ng media.
“Ikinalulugod ko rin na mapabilang sa hanay nina Pangulong Joseph Estrada, na ilang beses na rin na in-endorso at nanalo dahil sa suporta ng El Shaddai, isa sa pinakamalaking Catholic organizations sa bansa na may limang milyong kasapi. Napakalaking tulong ng inyong suporta sa aking kandidatura. Maraming salamat po at pagpalain nawa ng Panginoon ang El Shaddai,” dagdag pa nito. (Mindanao Examiner)