NORTH COTABATO – Masuwerteng nakaligtas sa karit ni Kamatayan ang mag-asawa matapos silang ratratin habang sakay ng kanilang bagong motorsiklo ng isang hinihinalang carnapper sa bayan ng Kabacan sa North Cotabato.
Nabatid na kabibili lamang ng mag-asawang Michael at Rica Catulong ang kanilang motorsiklo at ito umano ang posibleng dahilan ng atake nitong Lunes sa dalawa, ayon sa pulisya.
Sugatan ang mag-asawa, ngunit nabigo naman ang kriminal na tangayin ang motorsiklo dahil sa kaguluhang naganap, sabi ni Chief Insp. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan police office. Hindi pa mabatid ang identipikasyon ng kriminal. (Rhoderick Beñez)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
See Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates