BIGtheme.net http://bigtheme.net/ecommerce/opencart OpenCart Templates
Road mishap kills 7 in General Santos City
October 22, 2018
Van vs. jeep: 10 patay
October 23, 2018
Show all

Mag-asawa, binoga sa motorbike!

NORTH COTABATO – Masuwerteng nakaligtas sa karit ni Kamatayan ang mag-asawa matapos silang ratratin habang sakay ng kanilang bagong motorsiklo ng isang hinihinalang carnapper sa bayan ng Kabacan sa North Cotabato.

Nabatid na kabibili lamang ng mag-asawang Michael at Rica Catulong ang kanilang motorsiklo at ito umano ang posibleng dahilan ng atake nitong Lunes sa dalawa, ayon sa pulisya.

Sugatan ang mag-asawa, ngunit nabigo naman ang kriminal na tangayin ang motorsiklo dahil sa kaguluhang naganap, sabi ni Chief Insp. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan police office. Hindi pa mabatid ang identipikasyon ng kriminal. (Rhoderick Beñez)

 

Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com

 

4,241 total views, 1 views today

Deskman
Deskman
https://www.facebook.com/mindanaoexaminer