
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Mar. 21, 2013) – Hindi umano ibibigay ng Malaysia ang mga bangkay ng napaslang na miyembro ng Sultanate of Sulu kung walang maibibigay ng DNA samples ang kanilang mga kaanak.
Napatay ng Malaysian security forces anf 62 followers ni Sulu Sultan Jamalul Kiram na kabilang sa 200 ipinadala nito sa bayan ng Lahad Datu nuong nakaraang buwan sa pangunguna ng kapatid nitong si Raja Muda Agbimuddin upang panindigan na pagaari hg Sultanate of Sulu ang Sabah.
Ang Sabah ay kabilang ngayon sa 15 estado at teritoryo ng Malaysia, ngunit ibinigay ito ng Brunei sa Sultan ng Sulu nuong 17th century bilang pabuya sa pagtulong nito sa magapi ang rebelyon doon.
Nais ngayon ni Deputy Inspector-General of Police Tan Sri Khalid Abu Bakar na mailibing ang mga bangkay dahil sa hindi na rin ito magkasya sa mga mortuaries ng pagamutan sa Sabah at sa nakaambang peligro ng sakit na posibleng makuha sa mga naagnas na bangkay.
Tinatayang nasa 50 na lamang umano ang tagasunod ni Raja Muda dahil marami na sa mga ito ang nadakip sa mga nakalipas na araw at sa huling pahayag ng Malaysia ay mahigit na sa 300 ang biha nito at karamihan ay hinuli dahil sa hinalang tumutulong ang mga ito sa Sultanate of Sulu.
Sampuang parak at sundalo rin ang nasawi sa panig ng Malaysia dahil sa sagupaan. (Mindanao Examiner)