
Ang inagurasyon ng covered court sa Salih Ututalum Elementary School sa lalawigan ng Sulu na pinangunahan ni Gov. Sakur Tan. At ang donasyon ng mga desk a upuan sa Hajji Hasiman Elementary School. (Mindanao Examiner Photo – Ahl Salinas)
SULU (Mindanao Examiner / Mar. 19, 2013) – Pormal ng inanigurahan ni Sulu Gov. Sakur Tan ang isang covered court ng Salih Ututalum Elementary School sa naturang lalawigan.
Sinabi ni Tan na simula pa lamang ang inagurasyon ng covered court dahil ipinag-utos pa nito kay Sulu Provincial Engineer Abdurasad Baih ang pagpapaayos ng playground ng paaralan upang mapaluwag ito at mabigyan ng kasiyahan ang mga estudyante sa kanilang break time.
“Marami tayong mga proyekto at hindi lang puro pabahay at infra projects, kundi maging mga paaralan ay talagang tinututukan natin dahil napakahalaga talaga ng edukasyon para sa lahat,” ani Tan.
Ayon kay sa principal ng Salih Ututalum Elementary School na si Hajji Abdujilan Jimlan ay lamaking tulong sa kanila at sa mga magulang ng estudyante ang ibinigay na covered court ni Tan dahil hindi na umano sila mangungupahan ng mga venue para sa graduation at iba pang mga pagdiriwang o meeting ng paaralan.
“Naku talagang dream come true ito sa aming lahat at lubos ang pasasalamat namin kay Governor Sakur Tan sa kanyang pagtulong sa mga estudyante at sa school,” wika pa ni Jimlan.
Malaki umano ang ginagasta noon ng paaralan sa mga inaarkilang venue para sa ibat-ibang school activities, ngunit malaking katipiran naman ngayon sa gastusin ang inaasahan ng lahat dahil sa covered court.
Naipagawa na rin ni Tan ang compound ng paaralan at hindi na ito binabaha. Noon kalimitan kapag umuulan ay lubog sa tubig ang nasabing lugar, at kung tag-init naman ay babad sa araw ang mga guro at estudyante sa tuwing may assembly doon.
“This is legacy not only for the students of Salih Ututalum para sa atin din lahat,” ani Jimlan.
Sa panig naman ni Tan ay pinasalamatan naman nito ang mga estudyante dahil sa ipinamamalas nilang interest sa pagaaral. Ang mga kabataan at edukasyon ang ilang lamang sa mga pangunahing prayoridad at programa ni Tan mula ng maging governor ito sa lalawigan.
Naantig naman ang damdamin ni Tan sa init na pagsalubong sa kanya ng mga estudyante at guro at hanggang sa kanyang paglisan ay iwinawagayway pa ng mga bata ang kanilang munting mga bandera at nakasulat doon ang taus-pusong pasasalamat sa kabaitan ni Tan.
Kulang o halos walang tulong na nakukuha ang mga paaralan sa Sulu mula sa Department of Education sa Autonomous Region in Muslim Mindanao. (Mindanao Examiner. Ahl Salinas)