
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Mar. 17, 2013) – Bihag ngayon ng Malaysia ang mahigit sa 300 katao na hinihinalang supporters o tumutulong sa mga miyembro ng Sultanate of Sulu na siyang nagmamay-ari sa naturang isla na kalapit lamang ng lalawigan ng Tawi-Tawi.
Isang bilanggo rin na inaresto sa bayan ng Semporna, ang nagbigti sa loob mismo ng selda ng pulisya, ayon sa Malaysia. Dinakip ang mga ito sa ilalim ng Security Offences (Special Measures) Act of 2012 at maaari silang makulong ng hanggang 2 taon ng walang kaso.
Kamakailan lamang ay dinakip rin ng mga awtoridad doon ang 8 mga Pilipino na sakay ng isang speedboat at kinumpiska ang halos P360,000 na dala nila.
Umabot na sa 61 ang bilang ng mga followers ni Sulu Sultan Jamalul Kiram ang nasawi sa assault na isinagawa ng Malaysia upang mapalayas ang mga ito sa Sabah na kanila rin inaangkin. Binansagang “Ops Daulat” ang nasabing assault laban sa grupo ni Raja Muda Agbimuddin Kiram, ang kapatid ng sultan, at gamit ng Malaysia ang mga fighter jets at helicopters bilang back-up sa libo-libong ground troops.
Binigyan rin ng Malaysia ang Pilipinas ng 3 araw na magtatapos ngayon Lunes upang kunin ang mga bangkay ng mga napatay, kabilang ang 15 nahukay mula sa tatlong libingan sa Barangay Tanduo sa bayan ng Lahad Datu.
Nagtungo ang grupo doon upang pagtibayin ang kanilang historical at legal rights sa Sabah na iniregalo ng Brunei sa Sultan of Sulu bilang pabuya sa pagtulong nito sa paggapi sa rebelyon nuong ika-17 siglo.
Gumagamit na ang Malaysian Armed Forces ng unmanned aerial vehicles upang hanapin ang grupo ni Raja Muda na ngayon ay tinatayang nasa 50 na lamang. Ilan sa kanila ay nagnanakaw na rin ng mga sasakyan para sa suicide attack laban sa mga Malaysian security forces.
Dahil sa kaguluhan ay patuloy rin ang pagtakas ng libo-libong Pilipino mula sa Sabah at ilang ulit na rin ibinasura ng Malaysia ang paki-usap ng pamahalaang Aquino na pahayag ang mga humanitarian teams na bisitahin ang mga refugees doon.
At maging ang Philippine media ay pinagbawalan rin na mag-cover doon nuong nakaraang linggo. Subalit inanunsyo naman ni Malaysia’s Defense Minister Datuk Seri Ahmad Zahid Hamidi ay pinapayagan na umano ng Gabinete na mag-cover ang mga foreign news agencies at Philippine media sa Sabah, ngunit mananatili lamang sa media center sa Barangay Felda Sahabat.
Ipinagbawal ito ng Malaysia matapos na akusahan ang media ng paguulat ng mali sa totoong sitwasyon sa Sabah, partikular sa isyu ng human rights abuses against laban sa mga Pilipino, extrajudicial killings, illegal arrest at iba pa. (Mindanao Examiner)