
Sinabi ni Gov. Sakur Tan na ipinag-utos na nito sa mga ibat-ibang ahensya ng pamahalaang panlalawigan na mas paghandaan pa ang pagdating ng mga nagsitakas sa North Borneo. Ngayon pa lamang ay marami na umanong mga refugees ang dumating sa Sulu.
Personal naman na tinitignan ni Tan ang sitwasyon ng mga refugees. “Kawawa naman itong mga kababayan natin at talagang kahit sino ay maaantig naman sa kanilang sinapit ngayon at sana at ma-resolba ng mapayapa ang problema diyan sa Sabah,” ani Tan sa panayam ng Mindanao Examiner.
Sinabi ni Tan na nagtayo na rin mga tents malapit sa pier upang agad na ma-proseso ng Department of Social Welfare and Development ang mga dumarating na refugees.
Sa hiwalay na panayam naman sy sinabi naman ni Fazlur-Rahman Abdulla, ang pinuno ng Sulu Area Coordinating Center, na tinatayang mahigit sa 1,000 na ang dumating sa lalawigan at kahapon ay halos 200 naman ang karga ng isang chartered vessel mula pa sa Sandakan sa Sabah.
Sinabi ni Abdulla na nagsimula si Tan ng paghahanda nuong pang Marso 2 dahil sa pangambang magdulot ng problema ang sigalot sa Sabah. “Actually before ng gulo ay ready na kaming lahat sa Sulu dahil na rin sa instructions ni Gov. Tan na maging handa palagi. May mga meetings na kami with various government agencies, and yun mga supply ng pagkain at kumot at kung anu-ano pa ay nakahanda na rin,” sabi ni Abdulla.
Idinagdag pa nitong marami rin umanong mga volunteers ang ngayon ay tumutulong sa humanitarian mission na inilunsad ng Sulu provincial government.
“There are times, just like yesterday when numerous evacuees from Sabah suddenly arrived unannounced, even pitching a tent together by different workers, government and volunteers alike, is just an admirable feat. We’re here together to heed summon, making our hearts in unison. Salute to all of them,” ani Abdulla.
Sinabi pa ni Abdulla na nakipagpulong rin si Tan kay Atty. Laisa Alamia, ang chairperson ng Commission on Human Rights sa Autonomous Region in Muslim Mindanao na kung saan at bahagi ang Sulu, upang pag-usapan ang diumano’y ulat ng pagmamalabis o human rights violations sa mga refugees at ibang Pilipino sa Sabah.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan naman ni Alamia si Abdulla at ang Sulu provincial government sa pag-asiste nito habang siya ay nasa Sulu. “Thanks for assisting me during my mission and for your group’s collaboration with the RHRC in monitoring the situation of the deportees/returnees from Sabah and in documenting cases of human rights violations experienced by them as a result of the Sabah conflict.”
“This crisis is of a magnitude that requires everyone’s effort and cooperation, including fence-sitters with a lot of time on FB (Facebook). Kudos to the social workers, volunteers, and other members of your team who are on the ground responding to the needs of the deportees 24/7. Keep it up,” ani Alamia. (Mindanao Examiner)