
DAVAO CITY (Mindanao Examiner / Mar. 10, 2013) – Tatlong sundalo ang patay at 8 iba pa ang sugatan sa ambush na isinagawa ng New People’s Army sa Davao City bilang parusa umano sa karahasan ng militar at pulisya sa mga sibilyan.
Sinabi ni Simon Santiago, ang tagapagsalira ng NPA, na binanatan umano ng mga rebelde ang isang grupo ng mga sundalo mula 84th Infantry Battalion, at mga parak, kabilang ang mga Cafgu militias, sa Barangay Carmen sa Baguio district kamakalawa. Nabawi rin umano ng mga rebelde ang ilang armas at bala mula sa mga biktima.
“The NPA ambush was to give justice to the victims of the 84th Infantry Battalion its use of Lumad vigilantes in its current intensive military operations,” ani Simon sa pahayag nito sa Mindanao Examiner.
Sinabi nito na mula Pebrero 7 ay walang humpay ang opensiba ng militar kung kaya’t apektado na umano ang kabuhayan ng mga sibilyan sa Barangay Cadalian, Tambobong, Tawan-tawan, Carmen at Tamayong.
“It is futile and illusory for the 10th Infantry Division to conjure an image of Davao City peasant villages bereft of the NPA and revolutionary forces. The recent NPA ambush and the punishment of civilian military spy in Baguio district demonstrate the pursuit of revolutionary justice consistently upheld by the people’s army,” sabi pa ni Santiago.
Nitong Marso napatay ng NPA ang sinasabing spy na si Paulino Landim, Jr. na inakusahan ng rebekdeng grupo na siyang dahilan ng pagkakapaslang ng militar sa isang rebelde. Hundi naman nagbigay ng pahayag ng militar at pulisya ukol sa nasabing ambush ng NPA sa Davao City, na ngayon ay kilalang kuta na ng rebeldeng grupo. (Mindanao Examiner)