
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Mar. 6, 2013) – Napigilan umano ng pulisya sa Tawi-Tawi ang pagpasok ng mahigit sa 60 mga followers ng Sultanate of Sulu sa North Borneo upang tumulong sa mga kasamahan na binabakbakan ng Malaysian security forces doon.
Ayon sa ulat ay na-intercept ang 67 mga tagasunod bago pa man ito pumalaot patungong North Borneo na ilang oras lamang ang layo kung speed boat ang gamit.
Una ng sinabi ng Moro National Liberation Front na pumasok na sa Niorth Borneo ang malaking grupo ng mga dating rebelde uoang magbigay ng suporta sa mga miyembro ng Sultanate of Sulu sa pangunguna ni Raja Muda Agbimuddin na ngayon ay nasa bayan ng Lahad Datu.
Ipinadala ni Sulu Sultan Jamalul Kiram ang kapatid na si Raja Agbimuddin sa Lahad Datu upang ipaalam sa Malaysia na pagaari nito ang naturang isla.
Ngunit sa halip na makiipag-usap ang Malaysia ay pinasusuko pa ito ng Kuala Lumpur.
At maging si Pangulong Benigno Aquino ay ito rin ang panawagan at pinagbantaan pang kakasuhan ito kung hindi susuko ng mapayapa.
Umabot na sa mahigit 2 dosena ang nasawi sa laban sa pagitan ng grupo ni Raja Muda Agbimuddin at ang Malaysia. (Mindanao Examiner)