
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Mar. 1, 2013) – Sampung miyembro ng Sultanate of Sulu and North Borneo ang nasawi, at 2 naman sa Royal Malaysia Police sa naganap na labanan nitong Biyernes sa Sabah, ayon kay Sultan Jamalul Kiram.
Apat sa panig ng Sultan at isa pa sa Malaysian police ang kumpirmadong sugatan sa palitan ng putok sa bayan ng Lahad Datu na kung saan ay naroon ang daan-daang mga miyembro ng Sultanate of Sulu sa pangunguna ni Raja Muda Agbimuddin Kiram, ang kapatid ni Sultan Jamalul.
Ngunit sa kabila naman ng pag-amin ni Sultan Jamalul sa kanilang casualties ay pilit pa rin pinasisinungalingan ito ng Malakanyang at sinabi pa ni Sec. Ricky Carandang na walang casualties sa side ni Sultan Jamalul at wala rin umanong labanan na naganap at tanging warning shots lamang ang ginawa ng Malaysian authorities.
“Sometine early this morning may mga tao sa grupo ni Kiram and they were met with Malaysian forces and told to go back and a warning shot is fired and then na-detain ang dalawa (lalaki from Sultan Jamalul’s group) and then pinabalik rin sila doon. We do not confirm that there has been an going firefight and based on the report from Malaysian authorities ay walang firefight,” wika pa ni Carandang sa panayam ng media.
Ngunit iba rin ang pahayag ni Interior Sec. Mar Roxas at sinabi nito na base umano sa ulat ng Philippine police attaché sa Malaysia na may tumakas mula sa cordon (o pumasok) ng Malaysian authorities sa Lahad Datu na kung saan naroon ang grupo ni Raja Muda Kiram kung kaya’t agad na inaresto.
“Mayroon mga taong gustong pumasok ba o lumabas doon sa cordoned-off area sa Lahad Datu…naaresto itong dalawang lalaki at in custody na…walang casualties na report (ang police attaché),” ani Roxas na binansagan naman ng grupo ni Sultan Jamalul na mistulang spokesman ng Malaysia dahil sa pagkiling nito sa dayuhang bansa.
Nagmatigas naman si Sultan Jamalul Kiram at sinabing hindi sila aatras sa panggigipit ng Malaysia sa kanilang karapatan at sinabing handa nilang ibuwis ang kanilang buhay upang maipagtanggol ang kanilang karapatan bilang tunay na may-ari ng Sabah.
“Buhay pa naman yun kapatid ko at kausap ko siya kanina lang…tuloy itong laban na ito…kung mapatay nila ang aking kapatid eh may kapatid pa kami, marami pang mga tao diyan (na magtatanggol sa Sabah),” sabi pa ni Sultan Kiram.
Nanatiling nakatutok ang mga Muslim sa Mindanao ukol sa tensyonadong sitwasyon sa Sabah. “Tiyak na maghihiganti ang mga Moro kung totoo ang balitang marami ang namatay sa Sabah. Pati MNLF at Abu Sayyaf at NPA ay maghihiganti,” ani Bensaudi Tulawie na tubong-Sulu.
Dapat umanong bigyan ng atensyon ng pamahalaan Aquino ang hinaing ng mga Muslim dahil ang Sabah ay pagaari ng Sultanate of Sulu and North Borneo.
Sa ibinigay na pahayag naman ng grupong Anak Sulu (Sultanate) sa Mindanao Examiner ay sinabi nitong may kinalaman sa Bangsamoro framework agreement ang kaguluhang nagaganap ngayon at kabilang ang mga scenarios at ang mga sumusunod naman ang kanilang inilatag.
1. The Philippine Government is willing to grant Sub-State status to areas claimed by the MILF. This will thus include the Sulu Archipelago supposed to be a sleeping sovereign state since centuries ago. The framework agreement is just a step away from the declaration of Independence by the MILF within the next few years- with or without the approval of the Manila government or the Sultante of Sulu although this will cover the Sulu archipelago.
2. The Sultanate of Sulu is a nation acknowledged by the Islamic world. It only needs a formalized setup of government (in modern times) to be welcomed among ruling and independent states of the world. And yet the Philippine Government has refused to consider the Sultanate as such.
3. The Sultanate of Sulu should declare its Independence from the Republic of the Philippines. In Mindanao, the occupation army of the Republic of the Philippines stationed in the Sulu Archipelago, Basilan, Sulu and Tawi-Tawi has been in a state of war since so called grant of Philippine Independence.
The Philippine Military has failed to subjugate the Sulu Archipelago until today. There is nothing more that the Manila government can do to stop this declaration of Independence as it has failed to stop the Moro National Liberation Front, the Moro Islamic Liberation Front, the Abu Sayyaf and still dormant Liberations Fronts in Mindanao…the nest of such fronts.
4. These fronts have managed to hold at bay the might of the Philippine Military through these years, and nothing that comes out from blabbering mouths in Malacañang can change the course of things in Southern Philippines. (Mindanao Examiner)