
SULU (Mindanao Examiner / Feb. 21, 2013) – Nilagdaan na ni Sulu Gov. Sakur Tan ang Disaster Risk Reduction Management Plan 2013 ng lalawigan upang lalong mapalakas ang paghahanda sa anumang kalamidad.
Pinuri ng mga opisyal ng pamahalaan ang maagang paglalagda ng Disaster Risk Reduction Management Plan, ayon kay Fazlur Rahman Abdulla, ang pinuno ng Area Coordinating Council ng Sulu.
Si Tan ang umuupong chairman ng Sulu Disaster Risk Reduction and Management Council at ang paglalagda ng Disaster Risk Reduction Management Plan ay nasaksihan ng mga miyembro ng Council.
Maging ang mga alkalde at ibat-ibang grupo sa lalawigan ay punuri si Tan sa maagap nitong pagpaplano sa anumang kalamidad at paglagda sa Disaster Risk Reduction Management Plan.
Matatandaang ilang beses binaha ang lalawigan ng Sulu at maging ang bahay ni Tan ay lubog rin sa tubig.
Kabilang sa mga sumaksi sa paglalagda kamakailan lamang ay mga opisyal ng ibat-ibang ahensya ng pamahalaan na sina May Bahjin, Sitti Kausar Sahidjuan, Engr. Bertrand Chio, Hairunnihma Ferrer, Engr. Ben Akalal, Malcon Tulawie, Taha Hajiron, Daren Limpasan, Muhaymin Adjid, Rocky Undug, Nida Dammang, Sydney Imlan, Penon Madjilon, Engr. Abdurasad Baih, Dr. Fahra Omar, Kadra Annil, Madam Hja. Nurunisah Tan, Shernee Tan, Preciosa Chiong, Julkipli Ahijon, Jr., Engr. Abdel Jalani, at iba pa. (Mindanao Examiner. Ahl Salinas)