
DAVAO CITY (Mindanao Examiner / Feb. 17, 2013) – Niyanig ng lindol ang lalawigan ng Davao Oriental, ngunit ayon sa mga awtoridad ay walang inulat na nasugatan o pinsala.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na Natunton nito ang sentro ng lindol halos 47 kilometro mula sa bayan ng Tarragona. Naitala ang lakas nito sa magnitude 4.4 at nasa 137 kilometro ang lalim ng pinagmulana nito sa lupa.
May inulat na mahinang lindol rin sa bayan ng Tubay sa Agusan del Norte at naitala ito sa magnitude 2.4 at wala naman pinsala ito sa kapaligiran.
Kamakalawa lamang ay niyanig ng magnitude 6.2 ang Sarangani province. (Mindanao Examiner)