
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Feb. 15, 2013) – Walang paki-alam ang may-ari ng mga graba at buhangin na itinambak lamang sa dalawang gilid nitong kalsada sa Falcatan sa Barangay Tetuan sa Zamboanga City.
Malaking abala sa mga motorista ang tambak dahil hindi na makadaan sa magkabilang linya ng naturang kalsada ang mga sasakyan. Ilang araw na rin itong naroon, ngunit wala naman aksyon na ibinibigay ang mga awtoridad upang mai-alis ang graba at buhangin sa kalsadang ginawang tambakan.
Maging ang Barangay at wala rin ginawa sa naturang paglabag sa kabila ng isa ang kalsada sa kalimitang dinaraanan ng mga sasakyan.
Isang malaking peligro rin ang sanhi ng mga nakatambak, partikular sa gabi dahil wala rin itong signs na nakalagay.
Hindi naman agad mabatid kung sino angf may-ari ng mga construction materials na mistulang may-ari ng kalsada. (Mindanao Examiner)