KIDAPAWAN CITY – Nahatulan ng guilty sa kasong cyber libel ang 2 mga miyembro ng media matapos na ilabas ng korte sa Kidapawan City ang desisyon nito.
Kinilala ang mga hinatulan na sina Eric Dugaduga Rodinas isang anchor ng Radyo Natin at si Larry Baja Subillaga na kapwa residente ng Kidapawan City.
Nag-ugat ang kaso ng dalawa matapos na mag-post ang una ng mga malisyosong salita laban sa gobernador ng lalawigan na si Lala Mendoza sa kanilang Facebook account. Nag-komento rin si Subillaga na niloloko umano ng punong ehekutibo ang mga mamamayan ng probinsya.
Hindi pinanigan ng korte ang “not guilty plea” ng mga brodkaster at dahil may sapat na basehan ang kaso ay hinatulan ito ni Judge Jose Tabosares ng Regional Trial Court, Branch 23 dito. Hinatulan rin ang mga ito ng makulong ng 4 hanggang 8 taon apagkakabilanggo at pinapapabayad pa ng P2.5 bawa’t isa bilang “danyos perwisyo”. (Rhoderick Beñez)
Thank you so much for visiting our website. Your small donation will ensure the continued operation of the Mindanao Examiner Regional Newspaper. Thank you again for supporting us. BPI: 952 5815649 (BOPIPHMM) Landbank: 195 113 9935 (TLBPPHMM)