
COTABATO CITY (Mindanao Examiner / Feb. 12, 2013) – Mahigpit ang pagbabantay ng mga netizens sa pangasiwaan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao na kung saan ay tila wala pa rin humpay ang mga sumbong ukol sa ibat-ibang anomalya sa pamahalaan.
Sa Facebook account ng grupong “ARMM WATCH” ay samut-sari ang batikos na tinatanggap ng ibat-ibang mga opisyal. Mga bintang ng pangungurakot mula sa mga ahensya hanggang sa luklukan ng kataas-taasang tanggapan at kung anu-ano pa.
Nagsisilbing mga mata at tainga ang naturang social-media watchdog sa mga kaganapan sa ARMM at iba’t-ibang isyu ang binabantayan mula sa mga ghost teachers, nepotism at ang gastusin sa pondo ng ARMM.
Isang miyembro nito ang nagsabing: “SO THE PUBLIC MAY KNOW. I have a reason to believe that there are still remaining “ghost teachers” in the ARMM who are receving salaries without really teaching or reporting for work for the simple reason that they do not have the know-how to perform the job. What they do is they pay other persons to do the dirty work while they do nothing at all. They are hard to find because they hide behind the veils of their protectors in the ARMM who are pretending to be champions of change and development. (Nota bene: Pasintabi po sa mga taong totoong maganda talaga ang hangarin sa ARMM).”
Ilang beses na napaulat na maraming ghost teachers ang natanggal sa ARMM ng umupo si dating congressman Mujiv Hataman bilang officer-in-charge, at pinuri pa ito ng Pangulong Benigno Aquino at binansagan pa itong “ghost buster.”
Ngunit sa katotohanan ay wala pang 80 diumano ang nadiskubreng ghost teachers sa mga paaralan sa buong ARMM na kumukulekta ng sahod, ayon sa Department of Education. Wala rin balita kung may nasampahan ng kaso ukol sa mga anomalya at hanggang ngayon ay blanko pa rin ang publiko sa isyung ito.
Nagsisilbi rin sumbungan ng mga mamamayan ang ARMM WATCH ukol sa kanilang mga napupuna at nakikita sa kapaligiran. Isang halimbawa ang pagbisita ni Pangulong Aquino kamakailan lamang sa Maguindanao, na bahagi ng ARMM, upang ilunsad ang “Sajahatra Bangsamoro” na kung saan ay namudmod ito ng mga Philhealth cards sa maraming mamamayan.
Ngunit ito naman ang naging tugon ng isang mambabasa sa ARMM WATCH: “PNOY, magpatayo ka muna ng Hospitals, Schools, colleges at Universities sa ARMM para sa Bangsamoro people para sa ganun magamit nila yung mga pinamimigay mo na na mga Philhealth cards at scholars sa Bangsamoro… Useless kung itoy nakatago lang sa WALLET ng bawat Bangsamoro….hanggang sa itoy masira na lang at di nagamit…Aanhin mo pa yan kung di mo naman magamit…ilagay na lang ba sa frame at isabit sa Wall Street, NYC.” (Mindanao Examiner)