
PAGADIAN CITY (Mindanao / Feb. 5, 2013) – Tapos na rin ang maliligayang araw ng kilabot na pinuno ng isang bandidong grupo sa Zamboanga Peninsula matapos itong madakip kasama ang kanyang alalay.
Si Monib Aukasa at ang kasamahan nito ay nahuli sa isinagawang raid ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya sa Barangay Langon sa bayan ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay province.
Nasamsam sa kanila ang dalawang .45-caliber pistol at isang granada. Hindi na umano nakapalag si Aukasa matapos na mapaligiran ng mga tropa, ayon kay General Ricardo Rainier Cruz III, commander ng 1st Infantry Division.
“Resukta ito ng matagal na intelligence operation at ang pagkakahuli kay Aukasa ay magbibigay ng katahimikan sa mga mamamayan. Aukasa is a notorious criminal who had killed many innocent people and we are glad that he was finally captured,” ani Cruz sa panayam ng Mindanao Examiner.
Hindi naman sinabi ni Cruz kung paanong natunton si Aukasa dahil may operation pa umano kontra sa mga tauhan ng bandido. “The operation against his other gang members is still going on,” wika pa nito.
Kasalukuyang pang iniimbestigahan si Aukasa ng mga awtoridad. Sinabi ni Cruz na matagal ng wanted sa batas si Aukasa at siyang nasa likod ng maraming pagpatay, highway robberies, abductions, at arson, piracy at extortion activities, sa Zamboanga Peninsula.
Si Aukasa rin ang itinuturing nasa likod ng pagpatay kay Staff Sergeant Aquilles Demecillo at Private First Class Ronald Toledo nuong December 2008; ang pagsunog sa isang Rural Transit bus nuong April 2011 at ang pagpatay sa pasahero nitong si Major Julistifi Arasid, ng 18th Infantry Battalion at kanyang asawa; at gayuin rin kay government militia Lito dela Cruz.
“From January 2010 to June 2012, Aukasa is also a prime suspect in five murders; three frustrated murders; five highway robberies, nine shooting incidents; three arson cases and abductions of villagers in Tungawan town,” sabi pa ni Cruz.
Nuong July 2011 ay dinukot rin ni Aukasa ang 6 katao, kabilang ang isang batang babae, sa Barangay Tigbanuang sa bayan ng Tungawan upang hingin sa pulisya ang paglaya ng kanyang asawa na nadakip sa pagtatago ng armas.
Pinalaya naman ng pulisya ang asawa ni Aukasa sa takot na patayin ng bandido ang mga bihag. (Mindanao Examiner)