Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Australian hostage ng Abu Sayyaf nanganganib na!

Australian hostage ng Abu Sayyaf nanganganib na!

Editor January 31, 2013
CG-3-copy
 General Ricardo Rainier Cruz III. (Mindanao Examiner Photo)

PAGADIAN CITY (Mindanao Examiner / Jan. 31, 2013) – Tutuluyan na nga ng Abu Sayyaf ang bihag nitong Australian na si Warren Rodwell sa panibagong banta nito sa buhay ng dayuhan na kanilang dinukot sa Zamboanga Sibugay province.

Pinaniniwalaang nasa Basilan si Rodwell, 54, bagama’t may balitang bihag ito sa Sulu province. Sinabi naman ng militar na patuloy ang paghahanap nito kay Rodwell at gayun rin sa 4 na iba pang dayuhan at 2 Pinoy na hawak ng teroristang grupo.

Sa panibagong  video na inilabas ng Abu Sayyaf ay kapuna-puna ang pagbagsak ng katawan ni Rodwell at hawak pa nito ang isang pahayagan na may petsang Enero 25.

Bantay sarado rin ito ng 3 maskaradong lalaki – ang isa ay may hawak na machine gun at ang dalawa naman ay M16 rifles – habang nasa likod ang isang bandera na kulay itim na kalimitang gamit ng al-Qaeda at Jemaah Islamiya sa kanilang mga propaganda videos.

Si Rodwell ay dinukot nuong Disyembre 2011 sa kanyang bahay sa bayan ng Ipil. Kasala ito sa Pinay na si Miraflor Gutang, 28.

“To the Australian government, in behalf of the majlisus Shura of Alharakatul Islamiyya in southern Philippines, we officially inform you that your citizen Warren Rodwell is in our custody and control since he was abducted at Ipil, Sibugay Province, Mindanao Philippines last December 5, 2011 and now facing Islamic sharee’ah, if you have concerned with your men, we will give you a chance to save his life before it’s too late, as soon as possible time, otherwise he will suffer unusual way of Death,” ani ng Abu Sayyaf sa pahayag nito.

Wala rin linaw sa militar kung nasaan na ngayon si Rodwell dahil malimit na ilipat ito ng taguan ng Abu Sayyaf.

“Our efforts to locate Rodwell are continuing, but so far we have no reports about him,” wika pa ni General Ricardo Rainier Cruz III, ang hepe ng 1st Infantry Division, sa panayam ng Mindanao Examiner.

Ayon pa sa Abu Sayyaf ay gagamitin umano nila ang makukuhang ransom kay Rodwell sa kanilang pakikibaka sa Mindanao.

“To our brothers in Islam we would like to make it clear that our activities like this are not for personal interests or just to gain money for personal use, let it be known to everyone we are on war against the forces of shaytan in the Philippines, its allies and supporters, and whatever we gain from this war is to be used for our future operations and other necessities,” ani ng Abu Sayyaf.

Dalawang milyong dolyar ang unang hiling ng Abu Sayyaf kapalit ng kalayaan ni Rodwell.

Bukod kay Rodwell, bihag rin ng Abu Sayyaf sina Japanese treasure hunter, Toshio Ito, 66, mula pa 2010; Jordanian journalist Baker Atyani, 43, at assistant nitong mga Pinoy na sina Rolando Letrero, 22, at Ramelito Vela, 39.

At si European wildlife photographers Ewold Horn, 52, mula Holland; at Lorenzo Vinciguerre, 47, ng Switzerland na dinukot sa Tawi-Tawi. At posibleng maging si Malaysian fish trader Pang Choon Pong at dalawang iba pang taga-Sabah Malaysia. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Abu Sayyaf threatens to kill Australian hostage in Philippines
Next: Philippines Army rescues villagers trapped in floodwaters

Trending News

PH, Hong Kong start negotiations for Double Taxation Agreement BIR-Double-Taxation 1
  • Business

PH, Hong Kong start negotiations for Double Taxation Agreement

May 27, 2025
Unified 911 rollout to start in July 2025 911-DILG 2
  • National

Unified 911 rollout to start in July 2025

May 27, 2025
Preserving Lupah Sug: BARMM grants P1M to fund MSU-Sulu cultural research project BARMM-Cultural-Heritage 3
  • Mindanao Post

Preserving Lupah Sug: BARMM grants P1M to fund MSU-Sulu cultural research project

May 26, 2025
Contact lenses that let humans see near-infrared light developed contact-lens 4
  • Technology

Contact lenses that let humans see near-infrared light developed

May 26, 2025
Davao City to develop new tourism circuits Davao-tourism 5
  • Mindanao Post

Davao City to develop new tourism circuits

May 26, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.