COTABATO CITY – Patay ang isa katao habang 3 iba pa ang nasa malubhang kalagayan ngayon sa ospital matapos silang araruhin ng isang sports car habang sakay ng tricycle sa kahabaan ng highway sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao province.
Nakilala ang nasawi na si Hussien Ulama, 15, habang sugatan naman sina Reynaldo Locaro, 17, at pawang mga puto vendors mula sa Cotabato city. Sugatan din ang mag-asawang senior citizens na sina Nagib Mangendra, 73, at Monabai Mangendra, 72, mga residente ng Kabuntalan, Maguindanao.
Base sa inisyal na ulat, naganap ang trahedya kamalawa matapos na salpukin ng humaharurot na sports car ang tricycle at nadamay ang mag-asawang matanda na nakasakay naman sa isang motorsiklo. Hindi umano tumigil ang kotse at mabilis na tumakas ang driver nito.
Ayon sa pulisya, pinaghahanap na umano ang driver at ang naturang sports car upang papanagutin sa naganap. (Rhoderick Beñez)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com
Mirror Site: https://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates