
DAVAO CITY CITY (Mindanao Examiner / Jan. 27, 2013) – Nilindol ngayon umaga ang lalawigan ng Davao del Sur, ngunit wala naman inulat na nasaktan o nasirang mga gusali, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Naramdaman ang pagyanig dakong 1.31 ng madaling araw di-kalayuan sa bayan ng Jose Abad Santos.
Sinabi pa ng ahensya na tectonic o ang paggalaw sa ilalim ng lupa ang pinagmulan ng lindol at tinatayang nasa 80 kilometro ang lalim nito.
Ang bansa ay nasa tinatawag na Pacific Ring of Fire, na halos 40,000-kilometro ang lawak na kung saan ay matatagpuan ang mahigit sa 400 mga undersea volcanoes na pangunahin dahilan rin ng lindol. (Mindanao Examiner)