NORTH COTABATO – Isang linggo matapos na atakihin sa puso ang isang 76-anyos na miyembro ng Kapa-Community Ministry International Inc. ay hindi pa rin matanggap ng pamilya nito ang nangyari sa kanilang mahal sa buhay.
Hindi umano matanggap ni Lolo Percival Alojado ang pagpapasara ni Pangulong Duterte sa Kapa-Community Ministry International Inc. na nasasangkot diumano sa Ponzi scheme.
Nabatid na may “donasyong” halos P1 milyon sa Kapa si Alojado at pamilya nito sa bayan ng Polomolok sa South Cotabato kapalit ng pangakong “blessings” o interest sa salaping ipinagkatiwala sa naturang grupo.
Ayon sa anak nitong si Ambrose, labis umano ang pagalala ni Lolo Percival na hindi na maibabalik ang salaping inalay sa Kapa kung kaya’t dinamdam nito ng husto ang pangyayari.
Nabatid na sa kagustuhang mabigyan ng “blessings” ni Lolo Percival ang mga anak at apo ay inilagak pa nito ang kanyang makukuhang interest sa kanilang mga pangalan. Sinabi ni Ambrose na ang balitang pagpapasarado sa Kapa ang lubos na naka-apekto sa kalusugan ng kanyang ama.
Mangiyak-ngiyak naman ito sa kanyang panawagan kay Duterte na pahintulutan ang Kapa na muling mag-operate dahil malaki umanong tulong ito sa kanilang kabuhayan.
Ito rin ang panawagan ng libo-libong miyembro ng Kapa na pinamumunuan ni Pastor Joel Apolinario na ngayon ay nagtatago na at hindi na mahagilap matapos na i-utos ni Duterte sa mga awtoridad na dakpin agad ito at kasuhan ng syndicated o large-scale estafa dahil sa panloloko sa mga miyembro nito. Kapa na pinaniniwalaang galing mula sa mga nag-invest ng malaking halaga ng salapi sa Kapa.
Matatandaan na kumakalat ngayon sa social media ang mga ulat na marami ang nagpakamatay matapos na ipasara ni Duterte ang operasyon ng Kapa. (Rhoderick Beñez)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com
Mirror Site: https://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates