NORTH COTABATO – Isang 38-anyos na guro na nahaharap sa kasong pananakit sa isang Grade 1 pupil ang dinakip ng pulisya sa bayan ng M’lang sa lalawigan ng North Cotabato matapos na maglabas ng arrest warrant ang korte.
Kinilala ang naaresto na si Gerlie Lumbay Villagonzalo at guro sa New Consolacion Elementary School sa naturang bayan. Nahaharap ito sa kasong slight physical injury at paglabag sa Republic Act 7610 o ang “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act”matapos nitong pagbuhatan ng kamay ang bata.
Mismong si Judge Jose Tabaosares ng RTC 12, Branch 16, sa Kabacan, North Cotabato ang naglabas ng arrest warrant matapos na magsampa ng kaso ang pamilya ng bata laban sa guro.
Hindi naman naglabas ng pahayag ang New Consolacion Elementary School at ang Department of Education, ngunit kung mapapatunayang nagkasala ito ay maari itong matanggal sa kanyang trabaho.
Walang pahayag ang pamilya ni Villagonzalo sa kasong kinakaharap nito. Mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang pananakit ng mga estudyante, gayun rin ang pagmamalabis at pagmamalupit sa kanila. (Rhoderick Beñez)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Read And Share Our News: Mindanao Examiner Website
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates