
CAGAYAN (Mindanao Examiner / Jan. 11, 2013) – Halos dalawang dosenang katao ang isinugod sa pagamutan sa bayan ng Penablanca matapos na panakitan ng kanilang sikmura dahil sa nainom na tubig mula sa mga balon na diumano’y kontaminado ng pesticide.
Nabatid na dalawang barangay ang kumukuha ng tubig sa naturang balon at ayon sa pulisya ay isugod sa pagamutan sa lungsod ng Tuguegarao ang mga biktima makaraan dumaing nang matinding pagkakahilo at pagsusuka, gayun rin ang pagdudumi dahil sa pagkalason.
Teyorya ng awtoridad na nasipsip ng mga balon ang mga sinasaboy ng mga magsasaka na pestisidyo at herbicide sa kanilang mga pananim sa kabundukan at malaking posibilidad umano na inaanod ng tubig ulan ang lason patungo sa mga balon na nasa mababang lugar sa dalawang Barangay.
Kamakailan lamang ay 19 rin ang naging biktima ng food poising sa sa Cagayan dahil sa pinagpistahang pagkain sa isang handaan sa Barangay Agani sa bayan ng Alcala.(Francis Soriano)