
CAGAYAN PROVINCE (Mindanao Examiner / Jan. 10, 2013) – Nalason umano ang 19 katao matapos na pagpistahan ang handaan sa isang debut party sa baya ng Alcala sa Cagayan province.
Sinabi ng pulisya na sunod-sunod na isinugod sa Alcala District Hospital ang mga biktima, kabilang na ang isang bata, matapos na makaranas nang pananakit ng tiyan at pagdudumi.
Ayon naman sa Provincial Health Office ay dumalo sa isang salo-salo at kumain ng lumpia, tuna spread at sinabawang pancit miki at matapos nito ay isa-isang nang nakarandam ng pananakit ng sikmura at pagsusuka ang nga bisita.
Mabuti na lamang at wala umanong malubha ang kalagayan at ilan sa mga ito ay nakalabas na ng pagamutan. Samantala, inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang dahilan ng pagkalason ng mga biktima. (Francis Soriano)