KIDAPAWAN CITY – Patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad sa ina ng sanggol na lalaki na itinapon sa taniman ng saging sa Kidapawan City kamakailan matapos itong matagpuan ng isang bata dito.
Nasa pangangalaga ng awtoridad ang sanggol na tinatayang nasa edad 7-10 buwan lamang.
Natagpuan ito ng isang Grade 1 pupil sa Sitio Panabang sa Barangay Binoligan at agad na ipina-alam ng mga magulang nito sa mga opisyal ng barangay.
Hindi pa mabatid kung sino ang nagtapon sa bata at kung ano ang dahilan nito. Ang sanggol ay kulot ang buhok at katamtaman ang laki at ayon sa pulisya ay masuwerte na lamang at agad itong natagpuan at nailigtas mula sa tiyak na kamatayan.
Posibleng maharap sa kasong kriminal ang ina ng bata kung mapapatunayan na itinapon nito ang sariling anak. (Rhoderick Beñez)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Read And Share Our News: Mindanao Examiner Website
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates