
PANGASINAN (Mindanao Examiner / Jan. 6, 2013) – Isang 63-anyos na barangay chairman ang inatake umano sa puso habang nakikipag-sex ito sa kanyang chi-ching sa isang motel sa bayan ng Bayamabang.
Hindi na umabot sa pagamutan ang biktimang nakilala na si Menardo Orlanda, na siyang chairman ng Barangay Caranglaan sa karatig bayan nang Alcala.
Ayon sa pulisya, itinawag ng staff ng Visitors Inn sa Bayambang PNP ang pagkakatuklas sa labi ng biktima, kaya agad na nagresponde ang mga ito subalit wala na ang babaeng kasama nitong pumasok sa motel.
Bunsod nito ay mabilis naman isinugod sa Bayambang Community Hospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival ito. (Francis Soriano)