
CAGAYAN (Mindanao Examiner / Dec. 12, 2012) – Isang 20-anyos na magsasaka ang binaril sa kanyang “yagbulls” ng sariling tiyuhin dahil sa matagal ng alitan sa lupain sa bayan ng Santo Nino.
Sinabi ng pulisya na kasalukuyang inoobserbahan sa Cagayan Valley Regional Medical Center ang kalagayan ng biktimang si Jake Maur. Agad naman tumakas ang tiyuhin nitong si Jerry Maur, 40, matapos ng pamamaril na naganap sa Barangay Niug.
Ayon sa imbestigador na si PO3 Edmund Abedes ay matagal na umanong may alitan at mainitan pagtatalo ang dalawa kung kaya ng makakuha ng tyembo ang suspek ay binaril nito ang pamangkin na nakatayo lamang sa tapat ng kanilang tahanan.
Nilapitan umano ni Jerry ang biktima at walang kaabo-abog na pinaputukan nito ng dalawang beses ang pagka-lalaki ng pamangkin. (Francis Soriano)