
ABRA (Mindanao Examiner / Dec. 12, 2012) – Naibalik na rin sa wakas ang kuryente sa buong lalawigan ng Abra matapos itong putulin ng Aboitiz Power dahil sa umano’y malaking pagkakautang ng Abra Electric Cooperative.
Kinumpirma ni Ria Calleja, AVP-Corporate Branding and Communication ng Aboitiz Power, na naibalik na ang daloy ng kuryente sa Abra matapos na magkasundo ang kumpanya at ang Abreco, kasama ang lokal na pamahalaan.
“We would like to thank the management of Abreco and the leaders of Abra for acting on this matter. We hope that the agreement will be fulfilled to avaid any further inconvenience especially for the people of Abra,” ani Aboitiz Power SVP-Corporate Service Juan Alfonso.
Umabot sa mahigit na P20 milyon ang utang umano ng Abreco at bukod pa ang P30 milyon security deposit sa Aboitiz kaya ito ay pinutulan ng supply ng kuyente noong lunes at naapektuhan ang 27 bayan. (Francis Soriano)